Ang ating pangunahing layunin habang nabubuhay sa mundo ay para magmahal at magpalaya ng ibang tao.
Hindi ko dapat pinaramdam sa kanya na ibibigay ko ang lahat.
Tama nga siguro. kapag gusto mo o mahal mo ang isang tao, Hindi mo kailangan ipakita na gagawin mo lahat para sa kanya nang sa ganon hindi sya maging kampante na kahit anung gawin nya e mamahalin mo pa rin sya. Sana noon palang naisip ko na to, para hindi ganitong pinagmumukha nya akong gago.
Wala akong pakialam kung masaktan man sa huli, ang mahalaga masaya lang ako sa pakiramdam na nagmamahal. Kung ano man ang mangyari eh tatanggapin na lang, kaya nga tayo nag tatanong, kaya nga natin sinusuyo ang isang tao. Para malaman kung posible ang mga bagay na naiisip mo sa sarili mo. Naiisip mo para sa inyo.
Hindi sapat ang mga salita, kahit sino talaga pwedeng magsabi ng mga Mabulaklakin na salita. Kahit nga i patype mo sa tambay sa kanto eh maaring sabihin ito. Nakakalungkot rin na hindi na masyado pinaniniwalaan kung ano ang tinitibok ng puso mo, paano inabuso ng ibang tao, parating sinasabi, parating binibida, naka send to many pala.
Basta, hindi naman dapat nagmamadali. Hindi naman agad makukuha ng isang araw ang lahat ng bagay na ginugusto natin. Sa tingin ko worth it naman lahat, kapag seryoso ka sa mga ginagawa mo. Hindi mo mapapansin ang pagod kapag gusto mo.
Sigurado ako diyan.
Kung magmamahal ka ng tao.
Siguraduhin mo unang una eh handa kang masaktan. Dahil hindi puro sarap ang iyong pinuntahan. Para kang pumasok sa giyera. Na ipaglalaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Kayo ang magkakampi dito. Minsan sa gerang ito, hindi niyo maiiwasang mag away. Dahil ang problema ang inyong kaaway. Dahil hindi kayo magkaintindihan. Kayo ay mag sisigawan. At dahil dito napagtataasan ka na niya ng boses.
Kung magmamahal ka siguraduhin mong mahal mo talaga. Yung tipong wala na talagang iba. Kung baga siya na lang at wala ng iba. Ang panget naman kung mahal mo siya tapos may iba ka. Ano yun lokohan? Ano yun? Dalawa puso mo? Bakit hindi mo i transplant o i donate yang isa. Nakatulong ka pa sa taong nangangailangan.
Handa kang magpatawad. Ito dapat ang laging iniisip ng taong nag aaway. Hindi naman wrestling ang relasyon na kailangan na lang lagi mag away. Dapat lagi kayo magkabati. Kapag may kasalanan ang iba. Eh kung hanggat maaring mapatawad mo ay gawin mo. Nag sosorry na nga e. Alam mo naman siguro kung concern na siya ngayon. Kapag hindi mo napatawad ang isang tao. Dito siya magsisimulang manglamig. At baka maghanap ng iba to.
Handa ka sa pwendeng mangyari. Hindi porket mahal niyo ang isat isa ngayon eh hindi na kayo mawawal sa bawat isa. Tandaan mong nasa relasyon palang kayo. Yung mga taong nagsumpaan nga nag kakahiwalay pa. Kayo pa kayang nasa relasyon pa lang? Maging matapang para sabihing sapat na ang ipinakita ko para mahalin ka. Para kapag iniwan ka. Hindi ikaw ang may kawalan kundi siya.
But I can promise that no matter what, I’ll never forget the memories I made with you.